top of page

Balangay Seal of Excellence iginawad ng PDEA BARMM sa 3 local na pamahalaan sa BARMM

  • Feb 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ni Mayor Raida Tomawis Sinsuat ng Datu Blah Sinsuat Municipality, Maguindanao del Norte ang Balangay Seal of Excellence mula sa PDEA BARMM, araw ng Lunes, February 16.


Personal itong iginawad ni Regional Director Edgar Jubay.


Iginawad din ng PDEA BARMM ang parehong parangal sa bayan ng Ampatuan na tinanggap ni Mayor Datu Rasul Sangki.


Si Mayor Akmad Ampatuan naman ang tumanggap ng nasabing parangal mula sa PDEA.


Kinilala ng PDEA ang outstanding implementation ng mga nabanggit na LGU sa Barangay Drug Clearing Program o BDCP at patuloy na pagtataguyod ng drug-cleared barangays sa pamamagitan ng community-based anti-drug initiatives.


Ayon sa PDEA-BARMM, ang paggawad ng Balangay Seal of Excellence ay sumasalamin sa pinatibay na ugnayan sa pagitan ng ahensya at ng mga LGU, at sa kanilang iisang layunin na magtaguyod ng ligtas, maayos, at drug-free na mga komunidad sa buong rehiyon ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page