BALIK ESKWELA, BALIK TRABAHO NA Matapos ang mahabang break kasunod ng observance ng Holy Week
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Matapos ang mahaba-habang bakasyon, balik-eskwela na ang mga estudyante at balik-trabaho naman ang mga empleyado at manggagawa sa kani-kanilang mga opisina.
Para kay Norissa Adzal, isang IT student ng Cotabato State University, naging produktibo ang kanyang long weekend dahil nagamit niya ito sa pag-aaral at paghahanda para sa kanilang defense.
Samantala, aminado naman si Esmael Glang, isang habal-habal driver, na naging matumal ang kanilang kita nitong nagdaang linggo dahil sa sunod-sunod na holiday.
Gayunman, umaasa siya na babalik sa normal ang biyahe at kita sa pagsisimula muli ng regular na pasok.
Para naman kay Moafot Jesrel Ginohon, isang cashier at cook sa isang burger store, naging pagkakataon ang long weekend para magpahinga at maglaan ng oras sa sarili bago muling humarap sa trabaho.



Comments