BALYENA Napadpad sa Poral Beach, Kalamansig, Sultan Kudarat; naging pagtrato ng mga nakakita sa sperm whale, umani ng samo’t saring reaksyon online
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang ibinahaging video ni Hazi Masukat hinggil sa balyena na napadpad sa Poral Beach, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Sa report, na stranded ito alas 8:30 ng umaga ng Sabado, March 21 at makikitang hinang hina ito.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, may tumawag na kawani ng MDRRMO hinggil sa pagkakatagpo ng balyena sa lugar.
Ito ay may tinatayang haba na 54 feet at 36 feet naman ang lapat at may bigat na 20 tonelada.
Umani naman ng samo’t saring reaksyon ang naging pagtratro ng mga nakakita sa balyena.
Paalala ng BFP at iba pang ahensiya sa publiko, agad i-ulat ang anumang insidente, unahin ang kaligtasan nito, huwag basta itulak, dumistansya at huwag hawakan at iwasan mag-iingay sa paligid.
Samantala, makalipas ang ilang oras ay namatay na rin ang sperm whale.



Comments