BANGKAY NA NG MATAGPUAN ang 11 anyos na batang lalaki na nalunod sa Matampay River, Barangay Poblacion 3, Cotabato City
- Apr 9
- 1 min read
iMINDSPH

Iniulat ang insidente kahapon Abril 8, 2026, bandang alas-4:20 ng hapon sa Matampay River, HK Doton Street, Poblacion 3, Cotabato City.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na habang nangingisda ang biktima kasama ang kanyang kapatid sa gilid ng ilog, bigla umano itong tumalon sa tubig at tinangay ng malakas na agos at hindi na naka ahon pa.
Agad nagsagawa ng search and retrieval operations ang mga awtoridad.
Pinangunahan ito ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, katuwang ang Barangay Local Government Unit, Philippine Coast Guard, at BARMM READi.
Matapos ang malawakang operasyon, matagumpay na natagpuan at narekober ang bangkay ng biktima kaninang bandang alas-10:02 ng umaga kanina sa parehong lugar.
Samantala, pinaalalahanan ng CDRRMO ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang maiwasan ang ganitong insidente.



Comments