Bangkay ng lalaki, natagpuang lumulutang sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City
- Teddy Borja
- 27 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang sa Barangay Kalanganan 2.
Natagpuan ang bangkay sa Purok Kinagatan, Barangay Kalanganan 2, araw ng Miyerkules, Agosto 27, 2025, bandang alas-5:47 ng hapon.
Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Station 3, nakatanggap sila ng tawag mula sa Kalasag 911 matapos ireport ni Barangay Kagawad Guiameron Panda ang insidente. Agad na rumesponde ang mga awtoridad at natagpuan ang isang bangkay na lumulutang sa tubig.
Batay sa paunang deskripsyon, ang biktima ay isang lalaki na tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 taong gulang, may taas na humigit-kumulang 5’0” hanggang 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, at nakasuot ng itim na t-shirt.
Hanggang sa ngayon, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
Comments