BANGSAMORO FEDERALIST PARTY isusulong ang genuine autonomy, equitable resource distribution at palalakasin ang local leadership; party convention at general assembly ng partido matagumpay na naidaos
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal nang ipinakilala ang Bangsamoro Federalist Party o BFP sa ginanap na convention at general assembly ng partido sa Davao City, a-2 ng Abril.
Dumalo sa pagtitipon ang mga delegado mula sa limang probinsya at mga syudad sa BARMM kabilang na ang SGA. Kasama din sa pagtitipoin ang mga key commanders ng revolutionary organizations.
Inilahal bilang party president, ang kasalukuyang Member of Parliament Tomanda Antok. Ang proseso ay sinaksihan ng Election Officer Atty. Nabil Mutia.
Isusulong ng partido ang genuine autonomy, equitable resource distribution at palalakasin ang local leadership. Ilan ito sa mga adbokasiya na inilatag ng Bangsamoro Federalist Party o BFP na may gabay ng mga prinsipyo ng federalismo.
Ang Bangsamoro Federalist Party ay nananatiling nakatuon sa pagkakaisa, pagiging inklusibo, at pagtutulungan higit pa sa pulitika, upang pagsamahin ang iba’t ibang tinig para sa sama-samang pag-unlad.
Suportado rin ng Partido ang patuloy na pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) bilang mahalagang pundasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad sa Bangsamoro.
Bilang simbolo ng pagkakaisa, humuhugot ang Partido ng lakas nito mula sa mga kasapi, opisyal, at political nominees mula sa iba’t ibang grupo, lokal na pamahalaan, at sektor sa BARMM—lalo na ang mga ulama, kababaihan, mga settler, at non-Moro indigenous peoples.



Comments