top of page

BANGSAMORO HOUSING AND HUMAN SETTLEMENT DEVELOPMENT ACT OF 2026 Tinalakay na ng Human Settlements and Development Committee kung saan naglatag ang mga eksperto ng rekomendasyon sa polisiya, regulatory

  • Feb 26
  • 2 min read

iMINDSPH



Ayon kay Committee Chair Romeo Sema, ang mga input na nakalap sa nakalipas na dalawang araw na focus group discussion ay pagsasama-samahin at isasama sa panukalang batas, na titiyaking nakaayon ang implementasyon sa pambansang pamantayan.


Kabilang dito ang mga inilatag na rekomendasyon ng mga national housing experts hinggil sa pagpapatupad ng polisiya, regulatory standards, at community-based housing models.


Sa ilalim ng Parliament Bill No. 429 o ang Bangsamoro Housing and Human Settlement Development Act of 2026, nilalayon ang pagtatag ng comprehensive housing framework, pagpapalakas ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), at pgsusulong ng sustainable, resilient, at affordable housing sa BARMM.


Binigyang-diin naman ni Rep. Ma. Victoria Co-Pilar, chair ng House Committee on Housing and Urban Development, na kailangang maipatupad nang maayos ang mga batas sa pabahay upang matiyak na ang mga proyekto ay patas, ligtas, at pangmatagalan.


Iginiit ng mga eksperto ang mahigpit na pagsunod sa technical requirements at safety standards, lalo na sa mga socialized housing projects. Ayon kay Nelson Manaysay ng Department of Human Settlements and Urban Development, mahalaga ang tamang enforcement upang maprotektahan ang mga benepisyaryo at mabawasan ang panganib sa mga relocation site.


Iminungkahi naman ni Vincent Eugenio ng Presidential Commission for the Urban Poor ang pagsusulong ng community-led housing initiatives, kung saan ang mga benepisyaryo mismo ang may partisipasyon sa pagplano at pamamahala ng kanilang mga komunidad.


Para sa BARMM, sinabi ni Suharto Wahab ng Ministry of Human Settlements and Development na makikipag-ugnayan ang ministeryo sa national agencies at mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang implementasyon, mapalakas ang monitoring systems, at matiyak ang malinaw na proseso sa pagpapatupad ng mga housing program.


Layunin ng Parliament Bill No. 429 na maisabatas ang isang komprehensibong housing framework at palakasin ang papel ng regional ministry, kabilang ang pagtatatag ng isang housing and human settlements agency para sa rehiyon.


Principal author ng panukalang batas sina MP Romeo Sema, MP Abdulkarim Misuari, MP Atty. Randolph Parcasio, at Saripuddin Jikiri.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page