top of page

BANGSAMORO MEDICAL SCHOLARSHIP PROGRAM (BMSP) Pormal nang binuksan ng MOH ang aplikasyon para sa Bangsamoro Medical Scholarship Program o BMSP para sa Academic Year 2026

  • Mar 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Magko-kolehiyo ka na ba ngayong darating na pasukan?


Gusto mo bang kumuha ng medical related course?


Kumilos na! baka ito na ang chance mong tuparin ang iyong parangap, dahil pormal nang binuksan ng Ministry of Health and aplikasyon para sa Bangsamoro Medical Scholarship Program o BMSP para sa Academic Year 2026.


Layunin ng programa na magbigay ng medical scholarship sa mga karapat-dapat at kwalipikadong estudyante na may malinaw na hangaring maglingkod sa mga hindi naseserbisyo o kulang ang serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ayon sa MOH-BARMM, ang scholarship ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang Bangsamoro na mapalakas ang healthcare workforce sa rehiyon, lalo na sa mga liblib at geographically isolated areas na nangangailangan ng mas maraming doktor.


Ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon ay sa Abril 30, 2026, alas-5:00 ng hapon.


Maaaring isumite ng mga aplikante ang kanilang requirements sa pamamagitan ng:

• Personal na pagsusumite sa Scholarship Office ng Ministry of Health – BARMM, Bangsamoro Government Center, Cotabato City; o

• Pagpapadala ng scanned copy ng kumpletong dokumento na naka-compile sa isang PDF file sa email address na: moh.bmsp@yahoo.com


Hinimok ng MOH-BARMM ang mga interesadong aplikante na basahin ang kumpletong detalye at requirements sa opisyal na link ng programa:



Sa pamamagitan ng Bangsamoro Medical Scholarship Program, inaasahang mas mapapalawak ang access sa dekalidad na serbisyong medikal at mas mapapalakas ang sistemang pangkalusugan sa buong rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page