top of page

Bangsamoro Parliament Deputy Speaker Omar Yasser Sema, bumoto ng “No” sa BTA Bill No. 415

  • Diane Hora
  • Jan 13
  • 1 min read

iMINDSPH



Isa sa labing isang mambabatas ng BTA Parliament na bumoto ng “No” sa Parliament Bill No. 415 ay si Deputy Speaker Omar Yasser Sema.


Iginiit ni Deputy Speaker Sema, na ang kanyang boto ng “No” sa BTA Bill No. 415 ay hindi pagtanggi sa mismong panukalang batas, kundi isang malinaw na paninindigan aniya laban sa distribution ng pitong district seats na nakalaan para sa Sulu.


Sa kanyang pahayag sa plenaryo, sinabi ni Sema na kinikilala niya ang bukas at demokratikong deliberasyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) hinggil sa panukala at tinatanggap ang desisyon ng mayorya.


Ipinaliwanag ni Sema na ang kanyang pagtutol ay bunga ng matinding pagkadismaya sa umano’y paglabag sa diwa at layunin ng 1996 Final Peace Agreement na patuloy umanong ipinatutupad sa panahon ng transisyon sa ilalim ng 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).


Ayon sa mambabatas, ang isyu ay hindi lamang teknikal o legal, kundi may malalim na implikasyon sa mga pinaghirapang tagumpay ng peace process na binuo sa loob ng maraming dekada.


Binigyang-diin pa ni Sema na ang kanyang “No” vote ay may kasamang panalangin—na sana’y magsilbi itong munting paalala ng patuloy na diwa ng pakikibaka at dangal ng mamamayan ng Lupah Sug.ang kanyang “No” vote ay may kasamang panalangin—na sana’y magsilbi itong munting paalala ng patuloy na diwa ng pakikibaka at dangal ng mamamayan ng Lupah Sug.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page