top of page

Bangsamoro Parliament, sinimulan na ang public consultations sa 6 na panukalang batas hinggil sa pag amyenda sa Bangsamoro Administrative Code, Bangsamoro Electoral Code at reorganization ng ilang min

  • Diane Hora
  • Jan 14
  • 2 min read

iMINDSPH


Pinangunahan ng Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws (CARCL) ang konsultasyon na nagsimula sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, araw ng Martes, Enero a- 13.


Isasagawa rin ito sa Cotabato City, Special Geographic Area (SGA), Lanao del Sur, Tawi-Tawi, at Basilan.


Kasama sa mga sinusuri ang mga amyenda sa Bangsamoro Administrative Code sa ilalim ng BTA Bill Nos. 47, 48, 102, at 387, pati na rin ang Bangsamoro Electoral Code sa pamamagitan ng BTA Bill Nos. 396 at 419.


Isa sa mga mainit na usapin ay ang reorganization ng ilang key ministries gaya ng:

• Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR)

• Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE)

• Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE)


Ayon sa mga stakeholder, makakatulong ang panukalang reorganisasyon para makalikha ng trabaho, mapabilis ang proseso sa gobyerno, at mas mapalakas pa ang mga programa sa edukasyon, pangangalaga sa kalikasan, at energy management.


Isa pang panukalang binigyang-linaw ay ang pag-alis ng “None of the Above” (NOTA) option sa balota.


Ipinaliwanag ni BTA Deputy Speaker Baintan Ampatuan, kailangan ang amyendang ito upang maiwasan ang kalituhan at masigurong mapupunan lahat ng puwesto sa Parlamento, lalo na kung marami ang pipili ng NOTA na maaaring magresulta sa bakanteng posisyon.


Samantala, ibinahagi ni Sittie Fahanie Uy-Oyod, Chairperson ng CARCL, ang isa pang mahalagang reporma: babawasan mula 10,000 pababa sa 5,000 ang bilang ng miyembrong kailangan para makabuo ng political party.


Layunin nito na gawing mas bukas ang sistema, lalo na para sa maliliit na grupo, at masigurong mas malawak ang representasyon sa BARMM.


Hinikayat ng mga mambabatas ang lahat ng residente ng BARMM na makilahok sa public consultations, dahil mahalaga ang boses ng mamamayan upang matiyak na ang mga panukalang batas ay tunay na tumutugon sa pangangailangan at adhikain ng Bangsamoro people.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page