top of page

Bangsamoro struggle, magpapatuloy ayon kay MILF Chairman Al-Haj Murad pero hindi na umano sa armadong pakikibaka kundi sa pagkakaisa, pagtitiyaga, at matatag na pagsusulong ng moral governance

  • Diane Hora
  • Sep 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bumisita kay Moro Islamic Liberation Front (MILF-CC) Central Committee Chairman and United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Al Haj Murad Ebrahim si MILF North Western Command Commander, at Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Abdullah “Commander Bravo” Macapaar, araw ng Lunes, September 8.


Ayon sa MILF Chairman, magpapatuloy ang Bangsamoro struggle, pero hindi na umano sa armadong pakikibaka kundi sa pagkakaisa, pagtitiyaga, at ang matatag na pagsusulong ng moral na pamamahala.


Magkasamang idineklara nina Chairman Al Haj Murad Ebrahim at Commander Bravo ang mahalagang tungkulin ng bawat Bangsamoro na panatilihin ang katapatan sa mga prinsipyo ng MILF at manatiling matatag sa gabay ng Qur’an at Sunnah.


Nagtapos ang pagpupulong sa muling pagtitiyak na sa pamamagitan lamang ng pamumuno ng MILF maisusulong ang Bangsamoro tungo sa tunay na tagumpay, dangal, pangmatagalang kaunlaran, at ganap na karapatan sa self determination.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page