BANGSAMORO WRITERS WORK SHOP 2026Gaganapin mula June 4-7 sa Cotabato City; aplikasyon para sa workshop, bukas na
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Bukas na ang aplikasyon para sa Bangsamoro Writers Workshop 2026 na gaganapin mula Hunyo 4 hanggang 7 sa Cotabato City.
Ang workshop ay inorganisa ng Bangsamoro Literary Review katuwang ang tanggapan ni MP Rasol Mitmug Jr., na layong hubugin ang kakayahan ng mga umuusbong na manunulat mula sa Bangsamoro.
Libre ang pagsali sa workshop ngunit limitado lamang sa 12 kalahok na pipiliin mula sa mga aplikante. Ang mga mapipili ay sasailalim sa mentorship mula sa mga award-winning na manunulat at makikibahagi sa mga collaborative sessions.
Bukas ang aplikasyon sa mga manunulat na Bangsamoro mula sa BARMM at maging sa labas ng rehiyon. Kinakailangan ang orihinal at hindi pa nailalathalang akda sa kategorya ng fiction, poetry at nonfiction.
Maaaring isumite ang mga akda sa English, Filipino, o anumang regional languages, ngunit kinakailangan ang English translation para sa mga akdang nasa regional languages. Hindi tatanggapin ang mga AI-generated na akda.
Kinakailangan ding hindi pa naging fellow sa anumang national writing workshop ang aplikante, bagamat maaaring mag-apply ang mga dumaan sa regional workshops.
Maaaring isumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng opisyal na form online. Ang deadline ng pagsusumite ay sa Mayo 2, 2026.
Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email na bangsamorowrites@protonmail.com.



Comments