top of page

BAPA candidates para sa Parliamentary District at ilang nominees ng partido, pormal nang ipinakilala; BAPA, positibo na maabot ang 4 percent threshold o higit pa para makakuha ng seats sa parliament

  • Diane Hora
  • Sep 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal nang ipinakilala ng Bansgamoro Party o BAPA ang kanilang mga kandidato para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections. Naniniwala ang partido na may sapat silang bilang para maabot ang 4 percent threshold o higit pa para makakuha ng seats sa parliament.


Nagtipon ngayong araw ang mga kandidato, nominees at mga opisyal ng Bangsamoro Party o BAPA bilang hudyat ng kanilang mga ikakasang aktibidad kasunod ng pagsisimula ng kampanya para sa 2025 BARMM Parliamentary Election.


Pinili ng partido ang araw na ito, September 2 na anila ay mahalagang petsa para sa Moro National Liberation Front o MNLF.


Naniniwala ang BAPA na makakamit nila ang 4 percent threshold o higit pa para makakuha ng seats sa parliament.


Ang BARMM PARLIAMENT ay bubuhin ng 80 parliamentary seats. 50 percent dito ang manggagaling sa Parliamentary Political Parties na 40 seats, 40 percent ang mangggaling sa Parliamentary Districts o 32 seats at 10 percent ang mula sa sectoral representatives o 8 seats.


Pero sa gaganaping halalan sa Oktubre, ayon sa COMELEC 73 seats lamang ang pagbobotohan at hindi 80 kasunod ng pagpapaliban nila sa implementasyon ng BAA No. 77.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page