Barangay Dalumangcob, Kampeon sa 11th DSM Basketball Tournament ng Kudaraten Festival 2026
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Nasungkit ng Barangay Dalumangcob ang kampeonato at premyong ₱100,000, matapos ang serye ng matitinding laban na dinaluhan at sinuportahan ng mga residente at basketball enthusiasts mula sa iba’t ibang barangay sa ginanap na 11th DSM Basketball Tournament.
Pumangalawa ang Barangay Banubu na nag-uwi ng ₱70,000, sinundan ng Barangay Gang bilang 2nd runner-up na tumanggap ng ₱50,000, habang Barangay Bulalo naman ang 3rd runner-up na may ₱30,000 na premyo.
Kinilala rin bilang Most Valuable Player (MVP) ng torneo si Ali ng Barangay Dalumangcob, matapos ipamalas ang natatanging husay, disiplina, at liderato sa buong kompetisyon.
Ang taunang basketball tournament ay nagsisilbing plataporma hindi lamang para sa palakasan kundi para rin sa pagkakaisa ng komunidad, paghubog ng disiplina sa kabataan, at pagpapalakas ng samahan ng mga barangay bilang bahagi ng selebrasyon ng Kudaraten Festival.
Nagpahayag ng pagbati ang mga tagapagtaguyod ng paligsahan sa lahat ng lumahok at nagwagi, kasabay ng mensahe ng patuloy na suporta sa sports development sa lokal na antas.



Comments