Barangay Poblacion 5, Cotabato City council, naalarma matapos makita sa cctv ang isang lalaki na may bitbit na baril na naglakad sa tapat ng barangay hall
- Teddy Borja
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Nanawagan ang barangay poblacion 5 council sa Philippine National Police, Philippine Marines, sa pamunuan ng PRO BAR at Cotabato City LGU na tugunan ang insidente kung saan na sapul sa CCTV ang isang lalaki, walang damit pang itaas, may bitbit na long firearm at naglakad patungo sa kalsada sa tapat ng barangay hall.
Nangyari ang insidente ayon sa post ng konseho sa barangay, araw ng Martes, October 21.
Sa CCTV footage, naglalakad ang lalaki mula sa isang bahay palabas sa kalsada, saka tumigil ng ilang segundo tumingin sa tapat ng barangay hall at pumasok din uli sa bahay
Itinuturing ng konseho ng barangay ang insidente na isang seryosong banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
Mariin na kinokondena ng Sangguniang Barangay ang anila’y anumang uri ng iligal na pagmamay-ari o hayagang pagpapakita ng baril sa loob ng komunidad.
Hiling ng Sangguniang Barangay ang agarang aksyon at imbestigasyon ng mga kinauukulang awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng naturang indibidwal at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.
Pinapayuhan din ng barangay council ang publiko na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag.
Hinikayat din nila ang sinumang may impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan direkta sa pinakamalapit na himpilan ng PNP.
Hiling din nila ang iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon.



Comments