“BARMM 2026: Simbolo ng Pagkakaisa, Alaala sa mga Sakripisyo, at Pagpapatuloy ng Mas Matatag na Bangsamoro,”
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Makulay at masigla ang selebrasyon ng ika-7 anibersaryo ng Bangsamoro ngayong araw ng Martes, Enero 21.
Lumahok ang mga empleyado mula sa iba’t ibang ministeryo, tanggapan, at attached agencies ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kasama ang mga local government units at national agencies, sa isang makulay na symbolic anniversary parade.
Nagsimula ang parada sa Cotabato City Hall at nagtapos sa Bangsamoro Government Center, na sinabayan ng makukulay na kasuotan, banderitas, at sigla ng mga kalahok.
Bitbit ang temang “BARMM 2026: Simbolo ng Pagkakaisa, Alaala sa mga Sakripisyo, at Pagpapatuloy ng Mas Matatag na Bangsamoro,” binigyang-diin ng aktibidad ang kolektibong paninindigan ng pamahalaang Bangsamoro para sa pagkakaisa, pag-alala sa mga sakripisyong pinagdaanan, at pagpapatuloy ng hangaring makamit ang mas progresibo at mas matatag na rehiyon. Ang taunang selebrasyon ay nagmamarka ng pitong taon mula nang maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Enero 21, 2019, sa bisa ng Bangsamoro Organic Law—isang mahalagang hakbang tungo sa mas malawak na awtonomiya at sariling pamamahala ng rehiyon.
Dumalo sa selebrasyon si OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr.



Comments