“BARMM 2026: Simbolo ng pagkakaisa, alala sa mga sakripisyo, at pagpapatuloy ng mas matatag na Bangsamoro.”
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang paggunita sa makasaysayang pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM,iba’t ibang aktibidad ang aasahan ayon sa Project TABANG para sa BFD 2026, sa ilalim ng temang, “BARMM 2026: Simbolo ng pagkakaisa, alala sa mga sakripisyo, at pagpapatuloy ng mas matatag na Bangsamoro.”
Sa pamamagitan ng Project Management Office o PMO ng Project TABANG, maghahandog ang tanggapan ni Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ng iba’t ibang serbisyo at programa bilang suporta sa pagdiriwang ng Bangsamoro Foundation Day.
Layunin ng mga aktibidad na palakasin ang diwa ng pagkakaisa ng mamamayang Bangsamoro, alalahanin ang mga sakripisyong pinagdaanan tungo sa sariling pamamahala, at ipagpatuloy ang kolektibong adhikain para sa isang mas matatag, mapayapa, at maunlad na Bangsamoro.
Ayon sa Project TABANG, ang mga serbisyong ihahatid sa BFD 2026 ay hindi lamang bahagi ng selebrasyon, kundi patunay ng patuloy na malasakit at serbisyo ng Bangsamoro Government sa mamamayan.



Comments