top of page

“BARMM at the Crossroads: Building Peace, Empowering Communities, and Sustaining Progress.”

  • Diane Hora
  • Oct 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Inilahad ni BARMM Interim Chief Minister Adulraof Macacua sa Mindanao Development Forum 2025 ang isang plenary presentation na pinamagatang “BARMM at the Crossroads: Building Peace, Empowering Communities, and Sustaining Progress.”


Binibigyang-diin nito sa kanyang mensahe na ang Bangsamoro ay hindi na kuwento ng tunggalian kundi kuwento ng pagbabago. Unti-unting aniyang bumababa ang antas ng kahirapan, patuloy na naitatayo ang mga imprastruktura, pinalalakas ang mga komunidad, at higit sa lahat, napapanatili aniya ang kapayapaan sa pamamagitan ng inklusibong pamamahala.


Ipinunto rin nito ang hinaharap ng Mindanao ay hindi maihihiwalay sa hinaharap ng BARMM. Sa tuloy-tuloy na suporta aniya ng Pambansang Pamahalaan, mga development partners, at tiwala ng mamamayan, patuloy na isusulong ang isang Bangsamoro na matatag, mapayapa, at maunlad.


Panawagan ni Macacua na sama-samang piliin ang landas ng pagkakaisa, dangal, at pangmatagalang kapayapaan tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page