top of page

BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, dumalo sa Bread and Pastry NC II graduation ng mga BIWAB members

  • Diane Hora
  • Oct 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Hindi lamang ilaw ng tahanan, tagapagtaguyod ng kabuhayan at kapayapaan sa kani-kanilang komunidad ang bagong papel ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Women Auxillary Brigade o BIWAB, dahil sa bagong kaalaman na kanilang natutunan sa bread and pastry making, maari na nila itong gawing kabuhayan.


Matagumpay na nagtapos ang mga ito sa training na dinaluhan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa pangunguna ng MBHTE-TESD, a-6 ng Oktubre.


Sa facebook page ni ICM Macacua, sinabi nito na sa bawat tinapay na inihahain umano nila nagdadala ito ng mensahe ng kapayapaan at pagbabago.


Ang bread and pastry making NC II ay karaniwang tumatagal ng dalawang linggo kung saan ang trainees ay sumasailalim sa assessment at kapag pumasa rito ay mabibigyan sila ng national certificate o NC II mula sa TESD.

Ang sertipikasyong ito ay kinikilala sa buong bansa maging abroad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page