top of page

BARMM CHIEF MINISTER MACACUA, NANUMPA BILANG MINDA BOARD MEMBER

  • Nov 14, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Kasunod ng serye ng aktibidad sa ilalim ng BIMP–EAGA na naglalayong palakasin ang ugnayan at pag-unlad sa buong Mindanao region, pormal na nanumpa kay MinDA Secretary Leo Tereso Magno si Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua bilang miyembro ng MinDA Board of Directors.


Ang pagkakatalaga kay CM Macacua ay nagpapalakas sa aktibong partisipasyon ng Bangsamoro Government sa paghubog ng regional at inter-regional development agenda para sa Mindanao.


Binigyang-diin ng Chief Minister ang kanyang matatag na paninindigan sa mga prinsipyong ng Bangsamoro na naka-angkla sa moral governance, peace-driven development, at tapat na pagseserbisyo sa komunidad.


Kasama rin niyang nanumpa bilang bagong miyembro ng MinDA Board sina Governor Nilo Demerey Jr. ng RDC Region 13 at Governor Emmylou Taliño-Mendoza ng RDC Region 12.


Layunin nilang sama-samang isulong ang inclusive at sustainable growth sa buong Mindanao sa pamamagitan ng mas malalim na kolaborasyon at koordinasyon ng mga rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page