BARMM Government at Maguindanao del Norte Provincial Government, pinalalakas pa ang ugnayan sa pamamahala, development initiatives at pagtataguyod ng kapayapaan
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita kay Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, araw ng Huwebes, October 16.
Ayon kay ICM Macacua, bahagi ito ng pagpapalakas ng ugnayan ng BARMM Government sa pamahalaang panlalawigan.
Tinalakay sa pulong ng dalawang opisyal ang pagpapalalim pa ng koordinasyon sa usapin ng governance, development initiatives at pagtataguyod ng kapayapaan sa buong probinsya na naka angkla sa prinsipyo ng moral governance para sa isang #MasMatatagNaBangsamoro ayon kay ICM Macacua.
Kasama sa pulong si Maguindanao del Norte Provincial Administrator Datu Sharifudin Mastura.



Comments