top of page

BARMM Government, binigyan na ng direktang papel ng pamahalaan ang pilgrimage o Hajj simula taong 2026

  • Diane Hora
  • Sep 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Lumagda sa Memorandum of Agreement ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) at Bangsamoro Pilgrimage Authority (BPA), araw ng Biyernes, September 5.


Ito ang isang mahalagang kaganapan sa 23rd Intergovernmental Relations Body o IGRB meeting.


Sa kasunduang pinirmahan ng NCMF at BPA, pormal nang binibigyan ng direktang papel ang pansamantalang Bangsamoro Government sa pamamahala ng banal na paglalakbay o Hajj Pilrimage simula 2026.


Ayon sa BARMM government, isa itong makapangyarihang simbolo ng self-governance.


Bukod sa MOA sa Hajj, natalakay din sa pagpupulong ang iba pang mahahalagang usapin gaya ng mga susunod na hakbang hinggil sa transisyon ng Sulu, conversion ng papel ng mga manggagawa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, integration ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) members sa Philippine National Police (PNP).


Lahat ng ito ay tinutukan na may malinaw na takdang panahon at layuning maghatid ng kongkretong resulta.


Alinsunod sa Section 2, Article VI ng Bangsamoro Organic Law (BOL), ang IGRB ang nagsisilbing mekanismo ng regular na konsultasyon at negosasyon sa pagitan ng National Government at Bangsamoro Government.


Layunin nitong makipag-uganayan at resolbahin ang intergovernmental relations issues sa pagitan ng national government at Bangsamoro Government sa pamamagitan ng regular consultation at negotiation.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page