BARMM Government, kinumpirma ang pagkakatanggap ng liham mula sa COA kaugnay sa pagsasagawa ng special audit sa MBHTE; Kooperasyon sa hakbang ng COA, buo na ibibigay ng BARMM Government
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinumpirma ng Bangsamoro Government na natanggap nito ang liham mula sa Commission on Audit hinggil sa pagsasagawa ng Special Audit sa MBHTE.
Ang kumpirmasyon ay mula sa inisyung pahayag ng tagapagsalita ng BARMM Government, Mohd Asnin Pendatun.
Bilang institusyon, ayon sa pahayag, kinikilala umano ng BARMM Government ang constitutional authority ng COA at buo ang ibibigay nitong kooperasyon at assistance sa buong audit process.
Dagdag sa pahayag ang pagtiyak sa publiko na seryoso ang pagtutok ng Bangsamoro Government sa usapin, at patuloy na kikilos nang may sigasig, patas at
para sa pinakamabuting interes ng Bangsamoro.
Comments