top of page

BARMM Government, naglaan ng 9 million pesos na pondo sa ilalim ng AMBag program para sa tatlong partner hospitals sa lalawigan ng Cotabato

  • Diane Hora
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Siyam na milyong pisong pondo ang ibinahagi ng Office of the Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa pagpapatuloy ng serbisyo ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) Program sa tatlong partner hospitals sa lalawigan ng Cotabato.


5 milyong piso ang inilaan para sa Cotabato Provincial Hospital at tig-dalawang milyong pisong pondo naman para sa Dr. Amado B. Diaz Provincial Foundation Hospital at Aleosan District Hospital.


Layunin nitong mapalawak pa ang serbisyong medikal para sa lahat ng Bangsamoro sa Cotabato Province.


Masayang tinanggap at lubos na nagpapasalamat sina Provincial Administrator Aurora P. Garcia at Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva ang tseke bilang mga kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño Mendoza kasama si Provincial Treasurer Gail V. Ontal.


Ang inisyatibong ito ayon sa BARMM Government ay patunay ng matatag na ugnayan sa pagitan ng Office of the Chief Minister at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato para sa kapakanan ng bawat mamamayan.


Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan ng AMBaG Program Management Office, sa direktiba ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at sa pangunguna ni Program Head Mohd Asnin Pendatun.


Ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng kalinga at serbisyo sa loob at labas ng Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page