BARMM government, pagkakalooban ng tig-P25K na tulong pinansiyal ang bawat pamilya na apektado ng sunog sa Lamion, Bongao, Tawi-Tawi
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng agarang pagtugon ng Bangsamoro Government sa mga kalamidad, maglalaan si Chief Minister Abdulraof Macacua ng tig-₱25,000 tulong-pinansyal para sa humigit-kumulang 1,000 pamilyang naapektuhan ng malawakang sunog sa Barangay Lamion, Bongao, Tawi-Tawi.
Ang nasabing tulong ay magmumula sa Quick Response Fund (QRF) ng BARMM na layong magbigay ng mabilis at direktang ayuda sa mga mamamayang tinamaan ng sakuna. Ayon sa pamunuan ng rehiyon, ang pondo ay magsisilbing panimulang tulong ng mga pamilya habang isinasagawa ang mas malawak na relief at rehabilitation efforts.
Binibigyang-diin ng Pamahalaang Bangsamoro na ang agarang paglalabas ng pondong ito ay patunay ng mas pinalakas at mas episyenteng sistema ng pagtugon sa krisis, alinsunod sa adhikaing Mas Matatag na Bangsamoro, kung saan inuuna ang kapakanan, dignidad, at mabilis na pagbangon ng mamamayan.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga kaugnay na ministeryo, kabilang MSSD, Municipal Government of Bongao, at Provincial Government ng Tawi-Tawi upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong, pagsasagawa ng rapid needs assessment, at pagbibigay ng karagdagang suporta sa mga apektadong pamilya.



Comments