top of page

BARMM Government, patuloy ang pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Cebu

  • Diane Hora
  • Oct 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Dumating na sa Mactan Airbase sa Cebu ang mga relief Items na mula sa Bangsamoro Government na laan para sa mga biktima ng lindol sa Visayas region partikular sa lalawigan ng Cebu.

Nanguna sa paghahatid ng tulong ang Project TABANG na isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Interim Chief Minister.


Kabilang sa hatid na tulong ang casseroles, kumot, banig, portable gas stove at kettles.


Naisakatuparan ito sa tulong ng Philippine Air Force kung saan isinakay ang mga relief goods.

Ayon sa Office of Civil Defense Visayas, malaking tulong ang mga pinadalang gamit sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.


Nauna na ring nagpaabot ng tulong ang BARMM Government sa pamamagitan ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o BARMM READi na kinabibilangan ng water kits, dignity kits, tents at 445 bags ng dugo mula sa Cotabato Regional and Medical Center.

Matatandaang isang 6.8 magnitude na lindol ang yumanig sa bahagi ng Cebu at ilang parte ng Visayas, a-30 ng Setyembre.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page