top of page

BARMM ICM Abdulraof Macacua at mga lider ng MILF, nagpulong; mga plano, programa, at serbisyong hatid ng Bangsamoro Government sa Lanao del Sur, tinalakay ng mga opisyal

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • Dec 30, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa pulong, muling nakasama ni Chief Minister Macacua sina Aleem Ali Solaiman, Deputy Chief Minister for Mainland Affairs; Said Shiek, MRP Program Manager at Member of Parliament; Abdullah Macapaar; at Basit Abbas, kapwa mga kasapi ng Bangsamoro Parliament.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga plano, programa, at serbisyong inilalatag ng Bangsamoro Government para sa mga mamamayan ng Lanao, kabilang ang mga hakbang upang matiyak na ang mga benepisyo ng pamahalaan ay direktang maramdaman sa mga komunidad.


Binigyang-diin sa dayalogo ang kahalagahan ng patuloy na konsultasyon at pagtutulungan ng mga opisyal upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan at mapalakas ang implementasyon ng mga programang pangkaunlaran, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng mas pinaigting na serbisyo.


Ang naturang pulong ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Bangsamoro na palakasin ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mga lider tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro, kung saan ang kapayapaan at kaunlaran ay isinasalin sa tuloy-tuloy at inklusibong serbisyo para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page