top of page

BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, nagpulong para sa pagtataguyod ng kapayapaan, kabuhayan at pagpapaunlad ng komunidad

  • Diane Hora
  • Oct 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nakipagpulong kay Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang at sa mga lokal na lider sa Paglat, Maguindanao del Sur si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.


Layunin ng opisyal na higit pang patatagin ang ugnayan ng pamahalaang Bangsamoro at ng pamahalaang panlalawigan.


Sa pulong, sinabi ni ICM Macacua na tinalakay nila ng gobernador ang mga inisyatiba para sa kapayapaan, kabuhayan, at pagpapaunlad ng mga komunidad—mga adhikain aniya na nakaugat sa prinsipyo ng moral governance.


Nagkaroon din ng pagkakataon si ICM Macacua na makasama sa sambayang sa masjid ng Paglat, isang paalala aniya na ang tunay na lakas ng pamahalaan ay nagmumula sa pananampalataya, pagkakaisa, at taos-pusong paglilingkod.


Nanawagan ito na patuloy na magtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan at maitaguyod ang kaunlaran tungo sa #MasMatatagNaBangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page