BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, binigyang diin ang pagkakaisa at pag-unlad sa ika-7 anibersaryo ng SGA
- LERIO BOMPAT
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang pagdiriwang ng ika-7 Founding Anniversary ng Special Geographic Area (SGA), araw ng Sabado, February 07, 2026.
Ang naging papel ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagkamit ng mga layunin ng rehiyon ang binigyang diin ng opisyal sa kanyang talumpati sa ilalim ng temang "Bangsamoro Muttahidun" o One Bangsamoro.
Panauhing pandangal din sa selebrasyon si Senator Sherwin “Win” Gatchalian, kasama ang mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, mga alkalde ng walong bayan ng SGA, at mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PROBAR).
Kinilala din ni ICM Macacua ang patuloy na pakikipagtulungan ng National Government sa proseso ng transisyon. Ayon sa opisyal, ang suportang ito ay naging mahalaga upang maging konkretong aksyon ang mga pangako para sa SGA.
Binigyang-diin ni CM Macacua na ang anibersaryong ito ay hindi lamang pagdiriwang ng panahon kundi isang paalala ng responsibilidad na gawing nararamdaman ang pag-unlad ng bawat mamamayan. Layunin ng administrasyon na isabay ang pag-angat ng SGA sa kabuuang direksyon ng "Mas Matatag na Bangsamoro".



Comments