top of page

BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, pinagtibay ang kahalagahan ng pagkakaisa at iisang direksyon sa pagsusulong ng kapayapan sa serye ng dayalog sa mga lider ng MNLF

  • Diane Hora
  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH



Ayon kay Macacua, layon ng kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng MNLF na tiyakin ang pagkakahanay ng pananaw at adhikain tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro, sa gitna ng patuloy na transition at pagpapatatag ng pamahalaang rehiyonal.


Kasama sa dayalogo si MNLF Chairman Muslimin Sema, na kasalukuyang BARMM Minister of Labor and Employment; Deputy Chief Minister for Island Provinces Hatimil Hassan; Deputy Speaker Omar Yasser Sema; Deputy Speaker Adzfar Usman, at Uttoh Salem Cutan, Miyembro ng Bangsamoro Parliament.


Binigyang-diin ng Interim Chief Minister na ang pangmatagalang kapayapaan ay hindi lamang bunga ng mga kasunduang pampulitika, kundi ng taos-pusong dayalogo, moral na pamamahala, at malinaw na iisang direksiyon ng mga lider at mamamayan ng Bangsamoro.


Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan at pagpapatibay ng tiwala sa pagitan ng iba’t ibang sektor at peace stakeholders, higit pang napapalakas ang peace process at ang kakayahan ng Bangsamoro na harapin ang mga hamon bilang isang nagkakaisang rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page