top of page

BARMM, malayo na ang narating ayon kay PBBM; ICM Macacua, pinuri ni PBBM sa kanyang briefing, programa ng BARMM naayon umano sa national government; pagkakaisa, lagi umanong isipin ayon sa Pangulo

  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng ika-7 Founding Anniversary ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngayong araw ng Miyerkules, Enero 21, 2026, na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.


Bitbit ang temang “BARMM 2026: Simbolo ng Pagkakaisa, Alaala sa mga Sakripisyo, at Pagpapatuloy ng Mas Matatag na Bangsamoro,”


Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng Pangulo na malayo na ang narating ng BARMM, lagi aniya isipin ang pagkakaisa at hindi pagkakawatak-watak.


Binigyan diin nito ang kahalagahan ng BARMM Parliamentary Elections.


Pinuri ng Pangulo ang ang naging briefing ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa mga programa at direksyon na tinatahak ng administrasyon nito na ayon sa Pangulo ay naayon sa mga programa ng national government.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page