top of page

BARMM Parliamentary Election na itinakda ng COMELEC sa March 30, 2026, hindi na matutuloy

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH

Pormal na ipinagpaliban ng Commission on Elections (COMELEC) ang nakatakdang Marso 30, 2026 BARMM Parliamentary Elections, matapos maglabas ng desisyon ang COMELEC En Banc sa pamamagitan ng COMELEC Minute Resolution No. 26-0071 nitong Enero 28, 2026.


Sa resolusyon, iginiit ng poll body na hindi na praktikal at posible ang pagsasagawa ng halalan dahil sa masyadong maigsi at dikit na election timelines, na hindi na umano sapat upang maisakatuparan ang mga mandatory preliminary activities na kinakailangan bago ang halalan.


Tinukoy rin ng COMELEC ang ilang mahahalagang legal na hadlang, kabilang ang:


• Ang bisa ng Parliament Bill No. 415 na pumapasok sa ipinagbabawal na panahon sa ilalim ng Republic Act No. 8189 o Voters Registration Act of 1996, na nagbabawal sa pagbabago ng mga presinto sa pagsisimula ng election period; at


• Ang hindi muna maaaring isagawa ang assemblies at conventions para sa pagpili ng mga Parliamentary Sectoral Representatives hangga’t wala pang bagong itinakdang petsa ng halalan, alinsunod sa mga naging desisyon ng Korte Suprema sa mga kasong Ali, Jr. v. BTA and COMELEC at Macapaar v. BTA and COMELEC.


Dahil dito, isinantabi at terminated na ang lahat ng aktibidad na saklaw ng COMELEC Resolution Nos. 11181 at 11184, na tumutukoy sa calendar of activities, period of prohibited acts, at mga proseso para sa sectoral representation kaugnay ng Marso 30, 2026 na halalan.


Binigyang-diin ng komisyon na hindi matutuloy ang BARMM Parliamentary Elections sa Marso 30, 2026, at maghihintay ng panibagong petsa na itatakda alinsunod sa batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page