top of page

BARMM Parliamentary Elections, isasagawa sa March 31, 2026; Filing ng COC, isasagawa sa unang linggo ng Enero 2026

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • Oct 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Gaganapin na sa March 31, 2026 ang BARMM Parliamentary Elections ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia.


Sa unang linggo ng January 2026 ang target ng COMELEC para sa paghahain ng Certificate of Candidacy ng lahat ng kandidato sa parliamentary political party at district representative.


Sa second week of February naman ang printing of ballots ayon sa COMELEC.


Maglalabas din ng bagong calendar of activities ang COMELEC sa pamamagitan ng resolusyon.


Pero nilinaw ni COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia, na magdedepende pa rin ang lahat sa ipapasang batas ng Bangsamoro Transition Authority Parliament na binigyan lamang ng Supreme Court hanggang October 30, 2025 para magpasa ng panibagong batas sa redistricting.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page