top of page

BARMMAA 2026 CLOSING CEREMONY Maayos at mapayapang natapos ngayong araw sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte. Iba’t ibang magagandang alaala ang dala ng mga manlalaro mula sa sigla ng kompetisyon

  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Matapos ang ilang araw ng matinding kompetisyon at makulay na paligsahan, tuluyan nang isinara ang BARMMAA 2026 sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte. Mula sa tagisan ng lakas at galing hanggang sa di-malilimutang samahan, bitbit ng mga delegado ang mga alaala at karanasang kanilang iuuwi sa kani-kanilang mga probinsya.


Ilan naman sa mga coaches ang nagbahagi ng kanilang naging karanasan sa BARMMAA 2026. Ayon sa kanila, naging maganda ang kabuuang daloy ng palaro sa kabila ng ilang hamon.


Ayon naman sa ilang store owner at vendor, naging maayos ang kita sa nakalipas na linggo. Bagama’t may ilang araw na mahina, nakabawi rin umano sila dahil sa dami ng tao sa lugar.


Ayon naman sa isang payong-payong driver, naging maayos at ligtas ang operasyon sa panahon ng palaro.


Samantala, nagpasalamat naman ang ilang atleta sa kanilang naging tagumpay at karanasan sa BARMMAA 2026.


Naging abala rin ang mga convenience store sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte sa dami ng dumalo sa BARMMAA 2026.


Lubos namang nagpapasalamat si Dr. Myra Mangkabung, Schools Division Superintendent ng Basilan, sa lahat ng tumulong at sumuporta sa matagumpay na pagdaraos ng BARMMAA 2026 sa Parang, Maguindanao del Norte.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page