BASELINE ASSESSMENT OF THE INTERNAL CONTROL SYSTEM (BAICS) Opisyal nang sinimulan ng Maguindanao del Norte Provincial Internal Audit Services; PHRMO, unang isinailim sa BAICS
- Mar 3
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng Provincial Internal Audit Services ng Maguindanao del Norte, noong Pebrero 16, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa tanggapan ng PHRMO sa Provincial Government Center, bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na mas mapalakas ang internal control system at tiyaking maayos ang pamamahala sa loob ng mga opisina nito.
Pinangunahan ng Provincial Internal Auditor na si Raihanna Tiang ang internal audit team. Ipinaliwanag niya ang mga nakatakdang hakbang sa assessment, kabilang ang process walkthroughs, panayam sa mga kawani, pre-exit conference, at isang exit conference kasama ang Gobernador ng lalawigan.
Layunin ng hakbang na masuri ang kasalukuyang internal control mechanisms ng opisina, tukuyin ang mga hamon at kalakasan nito, at magamit ang mga datos para sa mas maayos na pagpaplano ng mga susunod na audit engagements.
Samantala, nagpasalamat si Provincial Human Resource and Management Officer Monina Macarongon dahil ang PHRMO ang kauna-unahang departamento sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte na sumailalim sa BAICS.
Ayon sa kanya, patunay ito ng mahalagang papel ng kanilang tanggapan sa pagpapalakas ng internal controls, pagsusulong ng transparency at accountability, at pagtulong sa pagkamit ng mga strategic goals ng lalawigan.
Sa kabuuan, inaasahang makatutulong ang assessment na ito upang mas mapatatag ang sistema ng pamamahala at masiguro ang mas maayos na serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng Maguindanao del Norte.



Comments