top of page

Basilan Gov. Mujiv Hataman, pinangunahan ang review upang alamin kung naasan na ang lalawigan pagdating sa vaccination, nutrition at blood supply

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa 2026 First Joint Provincial Local Health Board at Provincial Nutrition Council meeting na pinangunahan ni Governor Mujiv Hataman, umikot ang diskusyon sa status ng Measles-Rubella vaccination campaign at Vitamin A supplementation; Policy support resolutions na naka-align sa Universal Health Care ng DOH; Progress ng BangUn supplemental feeding program ng DSWD; At blood program updates ng lalawigan.


Sa report ng Integrated Provincial Health Office sa pangunguna ni Provincial Health Officer II Sharifa Ann Abbas-Alvarez, umabot na sa 42% ng target children aged 6 to 59 months ang nabigyan ng MR SIA vaccine, habang 40% naman ang nabigyan ng Vitamin A.


Sa situationer report, inilatag ni Provincial Immunization Coordinator Wymar Ladjiman ang challenges ng campaign at mga best practices para mas marami pang bata ang mabakunahan laban sa tigdas at rubella.


Sa open forum, nakita rin ang mga kailangan ng mabilis na aksyon, lalo na ang mas regular at systematic na blood collection sa bawat munisipyo.


Napag-usapan din ang pagpapalawig ng BangUn feeding program para mas tumagal ang epekto at mas mababa ang stunting rate.


Mungkahi ni Gov. Hataman na palawigin ang 180 days feeding days sa 1,000 days para mas ramdam ang impact sa bata.


Kasama sa tinutulak ng council ang planong i-institutionalize ang blood-letting activities at ang pagbuo ng Provincial Blood Council para masigurong may sapat na dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.


Ayon sa gobernador, kapag maaga ang bakuna, sapat ang nutrition at ready ang blood supply, mas panatag ang mga pamilya sa #Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page