top of page

Basilan Governor Mujiv Hataman, muling nanawagan ng pagkakaisa at kolektibong pananagutan bilang susi sa mas matatag na kinabukasan ng Bangsamoro

  • Diane Hora
  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH


Ayon kay Gov. Hataman, ang ika-7 anibersaryo ng BARMM ay hindi lamang pag-alala sa pitong taong pag-iral ng rehiyon, kundi paggunita rin sa mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng sambayanang Bangsamoro para sa sariling pamamahala, katarungan, at dignidad.


Binigyang-diin ng gobernador na ang BARMM—kasama ang mga naunang anyo ng pamahalaan tulad ng ARMM at mga transitional governments—ay bunga ng dugo, pawis, at sakripisyo ng mga martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng mamamayang Bangsamoro. Aniya, ang mga pangarap ng mga naunang nagbuwis ng buhay ang patuloy na nagbibigay saysay sa mga institusyon at adhikain ng kasalukuyang pamahalaan.


Sa gitna ng mga hamon ng pulitika, pagkakahati-hati, at magkakaibang pananaw, iginiit ni Gov. Hataman ang kahalagahan ng pagbabalik sa diwa ng pinagmulan ng Bangsamoro. Paalala niya, ang rehiyon ay hindi itinayo para sa iilan, kundi para sa lahat—para sa kapayapaan, kaunlaran, at kinabukasan ng susunod na salinlahi.


Nanawagan din ang gobernador sa mga Bangsamoro, lalo na sa mga nakatatanda at mga lider ng komunidad, na patatagin ang pagkakaisa at muling yakapin ang mga halagang nagsilbing sandigan ng pakikibaka noon—sakripisyo, pagpapakumbaba, at kolektibong pananagutan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page