Basilan Governor Mujiv Hataman, nanawagan sa mga Basileño ng pagkakaisa para sa serbisyo sa taong 2026
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Magkaisa para paglingkuaran ang mga mamamayan ng Basilan, ito ang panawagan ni Governor Mujiv Hataman sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Inihayag ni Gov. Mujiv ang kanyang mensahe sa Mandatory Flag Ceremony araw ng Lunes, kasama ang mga empleyado ng Basilan provincial government at ng mga ahensya ng BARMM tulad ng PWO, MPW, MBHTE Basilan, MBHTE Lamitan, MBHTE TESD at MAFAR.
Hinikayat nito ang mga kawani na harapin ang bagong taon na bukas ang loob sa pagbabago at mas mahusay na serbisyo matapos ang pagbabalik tanaw nito sa taong 2025 bilang taon aniya ng sama-samang pagtindig sa gitna ng mga hamon.
Inatasan din ng gobernador ang Human Resource Office na magsagawa ng pag-aaral at evaluation upang mas maging maayos ang pagtatalaga at takbo ng trabaho sa loob ng pamahalaan.



Comments