top of page

Basilan Medical Center at Lamitan District Hospital, opisyal nang partner hospitals ng MSSD para sa BCARES

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Pormal nang nilagdaan nitong Biyernes, ika-6 ng Pebrero 2026, ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng MSSD at ng dalawang pangunahing pagamutan nitong probinsya, ang Basilan Medical Center (BMC) at Lamitan District Hospital (LDH).


Layunin ng kasunduang ito na gawing mas mabilis at accessible ang programang BCARES para sa mga mamamayan ng Basilan.


Pinangunahan ang MOA Signing nina MSSD Minister Raissa Jajurie at Director General Mohammad Muktadir Estrella kasama sina Dr. Sitti Nurussamsi Casalin-Amilasan, ang Hospital Chief ng BMC at Dr. Jackie Lou Eisma-Castillo, ang Hospital Chief ng LDH.


Ang Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations (BCARES) ay isa sa mga pangunahing programa ng MSSD na nagbibigay tulong-pinansyal para sa gastusing medikal at pambili ng gamot, hospitalization support o burial assistance.


Dahil sa pakikipagtulungang ito, hindi na kailangan pang lumayo ng mga pasyente upang makahingi ng tulong, dahil direkta nang makikipag-ugnayan ang MSSD sa mga nabanggit na ospital para sa agarang interbensyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page