top of page

Basilan Provincial Government, masayang ipinagdidwang ang pagtatapos ng maraming mag-aaral sa iba’t ibang madrasa sa lalawigan

  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Noong Enero 17, isinagawa ang graduation rites ng Madrasatul Hadra’ Al-Islamie sa Lamitan City, kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral na matagumpay na nagtapos sa kabila ng iba’t ibang hamon sa buhay at pag-aaral.


Naging bahagi ng selebrasyon ang mga guro, magulang, at miyembro ng komunidad na buong pusong sumuporta sa bawat batang umaakyat sa entablado—isang patunay ng kolektibong paggabay sa paghubog ng kabataan.


Kinabukasan, Enero 18, ipinagpatuloy ang pagdiriwang sa Madrasah Darul Hidaya Al-Islamiya sa Sitio Cafago, Barangay Candiis, Mohammad Ajul.


Sa ngalan ni Governor Mujiv Hataman, dumalo si Ustadz Alzad Sattar upang ihatid ang pagbati at mensahe ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa Islamic education at sa mga institusyong naghahanda sa kabataan para sa mas maayos na kinabukasan.


Binigyang-diin na kapag ang kabataan ay natututong tumayo nang may pananampalataya, respeto, at pangarap, mas tumitibay ang pamilya at mas umuunlad ang komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page