BASKETBALL JERSEY handog ng tanggapan ni Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura para sa Basketball League ng Barangay Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng pamunuan ng Basketball League ng Barangay Gang ang mga basketball jersey mula sa tanggapan ng mambabatas.
Bahagi ito ng suporta ng mambabatas sa mga programang pangkabataan.
Ayon kay Mastura, kabilang sa kanyang adbokasiya ang pagsuporta sa mga programang pangkabataan tulad ng edukasyon at sports. Hinikayat din niya ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang interes sa basketball at sumali sa iba’t ibang kompetisyon sa national at international na antas.
Nagpasalamat naman si Punong Barangay Hussien Montañer Ibrahim kasama ang pamunuan ng liga. Anya, malaking tulong ang ganitong suporta para sa mga aktibidad ng kabataan sa kanilang lugar.



Comments