top of page

Batang may kapansanan sa mata sa Buldon, Maguindanao del Norte, matagumpay na naoperahan sa ilalim ng DTOM program ng provincial government sa tulong ni Dr. Kadil Sinolinding

  • Diane Hora
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa isang iglap na puno ng panalangin at pag-asa, muling sumilay ang liwanag sa buhay ng isang batang minsang nabalot ng pangamba at dilim.


Sa pamamagitan isang matagumpay na operasyon sa mata, nabigyan siya ng panibagong pagkakataon—ang makakita nang malinaw, at mangarap nang mas maliwanag.


Hindi lamang ito kuwento ng paggaling, ito ay kwento ng transpormasyon at malasakit ng gobyernong diretso serbisyo sa mamamayan.


Sa ilalim ng flagship program na DTOM o Development, Transformation, at Opportunity for Maguindanao del Norte, nanguna ang tanggapan ng Gender and Development sa pamumuno ni Provincial Chief of Staff na si Bai Shajida Biruar Mastura, upang maipagamot ang bata.


Nabatid ng pamahalaang panlalawigan ang kalagayan ng bata sa isinagawnag convergence program sa bayan ng Buldon. Tinutukan na ito ng GAD hanggang sa maihatid sa pagamutan hanggang sa matagumpay na operasyon.


Buong puso ang pasasalamat ng pamilya sa Maykapal at Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte sa pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura na naging tulay upang maihatid ang agarang tulong at kalinga.


Mula sa unang konsultasyon hanggang sa mismong operasyon, hindi iniwan ang bata at ang kanyang pamilya. Buong malasakit na umalalay ang PGO–GAD at ang Provincial Health Program—patunay na ang serbisyong pangkalusugan ay higit sa polisiya; ito ay konkretong pag-aaruga sa buhay.


Hindi rin malilimutan ng pamilya ang dedikasyon ng mga doktor at nars na naging instrumento ng paggaling. Kasama sa pasasalamat ang Ministry of Health - BARMM, sa pangunguna ni Dr. Kadil “Jojo” Sinolinding, Jr., na patuloy na nagsusulong ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Bangsamoro—lalo na sa mga higit na nangangailangan.


Serbisyong diretso sa mamamayan, serbisyong may malasakit, Serbisyong DTOM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page