top of page

BATTALION COMMANDER NG MILF, ARESTADO SA FIREARMS BUY-BUST OPERATION NG CIDG RFU BAR SA LOOB NG MSU COMPOUND SA MARAWI CITY

iMINDSPH



Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR ang isang Battalion Commander ng MILF sa isinagawang firearms buy-bust operation sa MSU Compound, Marawi City.



Kalaboso ang isang battalion commander ng MILF na kinilala sa alyas na “Ariong” sa inilunsad na firearms buy-bust operation ng CIDG RFU BAR sa loob ng MSU Compound, Marawi City, Lanao del Sur, hapon ng Lunes, September 30.



Si alyas “Ariong” ayon sa CIDG RFU BAR ay ang battalion commander ng 125th Base Command, NWMF, BIAF-MILF na nakabase sa Cadayonan, Marawi City.



Inaresto ito sa paglabag sa Section 32 at Section 28 ng Republic Act 10591 o ang Unlawful Sale of Firearms and Ammunitions.


Nakuha sa posesyon nito ang mga sumusunod:


Isang M16 A1 Rifle na Elisco na may Serial Number RP177678

Isang Cal. 45 trademark COLT MK IV na may serial no. 531213

Apat na piraso ng Steel Magazine para sa M16 A1

Dalawang Plastic Magazine para sa M16 A1

Dalawang Steel Magazine para sa Cal. 45

Isang daang bala ng M16 A1

Labindalawang bala ng Cal. 45

Isang Bandolier

Anim na ID CARDs at marked money


Ang buy-bust operation partikular ang pagsagawa ng inventory ay sinaksihan mismo ni Modrica Macapondi ang Barangay Kagawad ng Cadayonan II, Marawi City, Lanao Del Sur.


Agad itong dinala sa CIDG Lanao Del Sur PFU Office para sa documentation at proper disposition.


Inihahanda na rin ng otoridad ang kasong paglabag sa Sections 32 at 28 ng RA 10591 laban sa suspek.


Katuwang ng CIDG RFU BAR sa operasyon ang PIT LDS RIU 15, 1402nd RMFB, PSOG LDS PPO, at Marawi CPS sa pakikipagtulungan ng Lanao Del Sur PPO

Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page