BAWASAN O ITIGIL ANG EXCISE TAX SA PETROLYO Opisyal na pinahihintulutan ng batas ang Pangulo kapag ang karaniwang presyo ng krudo sa Dubai ay umabot o lumampas sa 80 dollar sa loob ng isang buwan
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa probisyon, isinasagawa ito sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee o DBCC, katuwang ang Department of Energy.
Maaaring ipatupad ang full suspension o partial reduction depende sa sitwasyon ng merkado at epekto nito sa ekonomiya.
Gayunman, nilinaw na ang naturang hakbang ay pansamantala lamang.
Ang suspensyon o pagbawas ng excise tax ay maaaring tumagal ng hanggang tatlong buwan, at hindi dapat lalagpas sa kabuuang isang taon.
Awtomatikong babalik sa dating rate ang buwis kapag bumaba na sa ilalim ng 80 US dollar ang presyo ng krudo o matapos ang itinakdang panahon.
Inaatasan din ang pamahalaan na magsumite ng ulat sa kongreso hinggil sa epekto nito sa presyo ng langis, inflation, at kabuuang ekonomiya, kabilang ang posibleng benepisyo at kakulangan sa kita ng gobyerno.
Samantala, obligadong magbigay ng buwanang ulat ang mga oil companies sa Department of Energy ukol sa presyo at cost components ng kanilang produktong petrolyo upang masiguro ang transparency at tamang implementasyon ng batas.



Comments