top of page

๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ— ๐‡๐ข๐ ๐ก-๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ, ๐š๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐š๐ง๐ญ๐ข-๐ข๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐ฎ๐  ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐›๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ; โ‚ฑ๐Ÿ‘๐Ÿ•๐Ÿ’,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ng mga awtoridad ang isang Regional Top 9 High-Value Individual sa ikinasang joint anti-illegal drug operation ng Police Regional Office 11, kung saan mahigit tatlong-daang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam.

Kinilala ang suspek sa alyas na โ€œRene Tuynoโ€ isang Regional Top 9 High-Value Individual.


Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 55 gramo at may standard drug price na โ‚ฑ374,000.00, kasama ang buy-bust money, isang Android cellphone, at iba pang personal na gamit.


Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang lahat ng nasamsam na ebidensya sa lugar ng operasyon, alinsunod sa Section 21 ng Republic Act 9165.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Panabo City Police Station ang suspek. Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


ย 
ย 
ย 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page