top of page

BDIR 2026-2035 aktibong nilahukan ng PPDO Maguindanao del Norte

  • Feb 24
  • 2 min read

iMINDSPH



Bilang bahagi ng mas pinalakas na hakbang ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para makabuo ng long-term investment strategy at mas matatag na economic planning framework para sa susunod na dekada, isinagawa ang formulation ng Bangsamoro Development Investment Roadmap 2026–2035 mula Pebrero 11 hanggang 12, 2026 sa lungsod ng Cotabato.


Pinangunahan ito ng BOI at MTIT.


Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang BARMM ministries, provincial at local government units (LGUs), kabilang na ang PDDO Maguindanao del NOrte at development partners upang talakayin ang investment priorities, potential growth corridors, at mga kinakailangang policy reforms na huhubog sa economic landscape ng rehiyon.


Sa mga workshop sessions, aktibong nakilahok ang PPDO MagNorte sa pag-align ng local development priorities sa regional investment agenda. Ipinresenta ang BDIR framework, isinagawa ang validation ng priority sectors, at tinukoy ang mga infrastructure at policy requirements na kailangan upang mapalakas ang regional competitiveness.


Kabilang sa mga tinalakay ang data requirements, investment mapping, at strategic synchronization ng mga plano ng LGUs at ministries. Nakatuon din ang diskusyon sa pag-identify ng emerging economic opportunities, pagtugon sa infrastructure gaps, at pagresolba sa mga hamon na nakakaapekto sa local investment readiness.


Ayon sa mga facilitator, mahalaga ang coordinated planning, reliable data systems, at stable regulatory environment upang makahikayat ng high-value investments at maisulong ang inclusive development sa Bangsamoro.


Malaking bahagi ng talakayan ang pagpapalakas ng mga pangunahing sektor tulad ng agrikultura, halal industry, turismo, logistics, digital economy, at energy. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng LGUs sa investment promotion at ang pangangailangan ng mas matibay na institutional collaboration sa loob ng BARMM.


Sa pagtatapos ng aktibidad, ipinahayag ng PPDO Maguindanao del Norte ang kanilang commitment na i-integrate ang mga natutunan sa provincial planning processes. Layunin nitong mas mapalakas ang papel ng LGUs sa paghubog ng isang responsive at impactful investment roadmap para sa rehiyon.


Habang patuloy na binubuo ang BDIR 2026–2035, inaasahang ang mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng mga ministries, LGUs, at stakeholders ay mag-aambag sa isang mas competitive, resilient, at inclusive na ekonomiya ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page