BEAUTICIAN, TIMBOG Sa search warrant operation ng pulisya; Mahigit ₱8K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam
iMINDSPH

Tiklo ang isang beautician matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isinagawang search warrant operation ng mga otoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Edgar”, 42-anyos, at residente ng nasabing lugar.
Sa isinagawang search, nakarekober ang mga operatiba ng walong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.217 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱8,275.60, gayundin ang ilang drug paraphernalia.
Ang suspek ay agad na inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Bandang alas-7:34 ng umaga, araw ng Miyerkules, nang isinilbi ang Search Warrant No. 26-002 sa Purok 2, Barangay Poblacion 4, Midsayap, Cotabato sa joint operation na pinangunahan ng Midsayap Municipal Police Station – Municipal Drug Enforcement Unit, katuwang ang iba’t ibang law enforcement units.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.



Comments