top of page

Benchmarking activity, patuloy na isinasagawa ng ibang LGU sa South Cotabato Provincial Government, bilang modelo ng epektibong pamamahala

  • Jan 12
  • 1 min read

iMINDSPH



Dahil matagumpay na naipatupad ang programang libreng hospitalization, libreng edukasyon, tuloy-tuloy na imprastruktura, at matibay na public-private partnership, patuloy ang benchmarking activity ng mga taga ibang Local Government Unit sa South Cotabato Provincial Government.


Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr, isa itong modelo na ipinapakita ang mga benepisyo ng decentralized at federal form of government


Ayon sa gobernador, hindi madaling tularan ang mga nagawa ng South Cotabato dahil sabay-sabay na ipinatupad ang libreng serbisyong pangkalusugan, libreng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo maging sa mga pribadong paaralan kasabay ng tuloy-tuloy na pagpapaunlad sa imprastruktura, agrikultura, employment, at food security.


Ipinaliwanag ni Governor Tamayo na ang tagumpay ng lalawigan ay bunga ng pagkakaisa ng pamahalaang panlalawigan at pribadong sektor sa pamamagitan ng isang matibay na public-private partnership. Aniya, hindi lamang pondo ng gobyerno ang ginamit kundi maging ang suporta at puhunan ng pribadong sektor upang maisakatuparan ang mga programa.


Dagdag pa ng gobernador, ang South Cotabato ay nagsisilbing model local government unit na maaari sanang maging resulta ng isang ganap na decentralized at federal form of government.


Aniya, kung ganap na maililipat sa mga lokal na pamahalaan ang kapangyarihan at pondo, mas matitiyak ang mabisang serbisyo, mababawasan ang korapsyon, at mas mapapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.


Sa huli, nanawagan si Governor Reynaldo Tamayo Jr. ng pagkakaisa upang maisulong ang isang decentralized at federal na pamahalaan bilang susi sa pagkamit ng isang maunlad, mapayapa, at progresibong bansa para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page