top of page

BIAF Commanders na dumalo sa peace rally sa Grand Mosque, nanawagan laban sa disunity

  • Diane Hora
  • Sep 8
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Nanawagan laban sa disunity ang Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF-MILF sa ikinasang peace rally sa Grand Mosque. Dagdag ng BIAF Commanders na kinikilala nilang Amimul Mujahideed si MILF Chairman Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim at kinikilala nilang Chief of Staff ng BIAF-MILF si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua


Nagkasa ng Peace Rally ang mga BIAF Base Commanders, araw ng Sabado sa Grand Mosque, Barangay Kalanganan II, Cotabato City upang ipakita na buo ang BIAF-MILF.


Nanawagan laban sa disunity mula sa hanay ng organisayon.


Muling binigyang diin ng BIAF na ang kanilang kinikilalang Amirul Mujahideen ay si MILF Chairman Ahod “Al-Haj Murad’ Ebrahim at ang kanilang kinikilalang Chief of Staff ng BIAF ay si BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua.


Bago ang rally, lumabas ang ulat na sinuspendi ng MILF ang ilang base commanders


Ayon kay Macacua, ang suspensyon ay base umano sa sinasabing paglabag sa nakasaad sa MILF-CC M.O. 37, s. 2025 na hindi pinahihintulutan ang mga base commanders na dumalo sa OPAPRU-related activities lalo na kung may kinalaman sa decommissioning, nang walang pahintulot mula sa ating Amirul Mujahideen.



Kabilang sa mga BIAF Commander na sinuspende ayon kay Macacua ay 118th Base Commander Abdulwahid Tundok dahil sa pagsama sa kanya sa Maynila.


Ayon kay Macacua, ang ipinunta ng mga BIAF Base Commanders sa Maynila ay ang pagbibigay suporta umano sa ginanap na LGU Summit for Peace and Development na inorganisa ng MILG kung saan siya ang concurrent Minister.


Ito ay upang patatagin aniya ang papel ng LGUs sa usaping peace and order sa BARMM. Hindi aniya ito OPAPRU activity, at hindi rin umano sila tumuloy na dumalo sa mismong summit.


Ibinahagi rin nito sa kanyang talumpati sa peace rally ang kanilang naging pag-uusap ni Chairman Ebrahim at sinabi umano nito na kung si Macacua mismo ang nagpahintulot sa pagdalo ng mga base commander ay maari na umanong i-lift ang suspension order.


Dagdag ni Macacua na tinitiyak aniya sa mga base commander at sa buong hanay ng BIAF na pananatilihin nito ang pagkakaisa at ipagpapatuloy ang pagbabantay sa kanila aniyang dangal bilang mga tunay na bayani ng Bangsamoro struggle.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page