BIGAS AT FOOD PACKS Ipinamahagi ng Project TABANG sa STI College of Cotabato
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Namahagi ang Project TABANG ng tinatayang labinlimang (15) sako ng tig-25 kilo ng bigas, kasama ang mga food packs, sa STI College of Cotabato.
Tinanggap ito ni STI Cotabato President Jefferson Bacurnay, arw ng Miyerkules, ika-15 ng Abril 2026.
Ang distribusyon ay pinangunahan ni Project Manager Brahim Lacua, sa pamamagitan ni Project TABANG Information and Communications (PTIC) Head Hadji Harris Ismael, katuwang ang field operations team ng Project Management Office (PMO).
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng direktiba ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, na maghatid ng tulong at serbisyo, at tiyakin ang inklusibong pamamahagi ng tulong ng Bangsamoro Government sa iba’t ibang sektor.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga guro mula sa Information Technology College Department ng STI College of Cotabato.
Patuloy ang Project TABANG sa pagpapalawak ng serbisyo upang maabot ang iba’t ibang komunidad at sektor, alinsunod sa layunin nitong maghatid ng agarang tulong at suporta sa mga Bangsamoro, at mailapit ang mga serbisyo ng Bangsamoro Government sa bawat komunidad at mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).



Comments